An open letter posted by an OFW in response to the Daniel Padilla
An open letter posted by an OFW in response to the Daniel Padilla interview wherein the actor told “know-it-all-netizens to shut up if you are not a registered voter is doing the rounds online.
In a Facebook post, netizen Ocid Bokal (pseudonym) expressed his displeasure of the teen actor’s condescending statement towards netizens whom he accused of running their mouths without even knowing the issues.
Please read the FULL TEXT below of the open letter:
OPEN LETTER TO MR. DANIEL PADILLA.OCID BOKAL
May 04, 2016
MR. DANIEL PADILLA
ABS-CBN TALENT/ACTOR
Dear Mr. Daniel Padilla,
Sana ay makarating sa iyo ang sulat na ito para iyong malaman ang nararamdaman naming mga botante pati na rin ang aking kasagutan ukol sa iyong sinabi sa isang panayam.
Unang-una sa lahat ako ay hindi magma-magaling dito, tulad ng iyong tinuran sa mga hindi kamu botante at sabi mo pa na “shut up” na lang sila.
Hindi po yata tamang sabihing pagmamagaling ang paglalahad ng kanilang opinyon. At Mali yatang i-shut up mo sila dahil ba hindi sila botante. Para mo na ring sinabing nagmamagaling ka dahil botante ka!?
Nais kong iparating sayo na kami ay nagbibigay lamang ng aming sariling opinyon at kami ay nakakasigurong kaya namin itong back-upan tulad din ng inyong sinabi.
At kagaya mo kami din naman ay open minded sa mga nangyayari ngaung eleksyon kaya nga’t kami ay lumalaban at nagpapakatatag sa mga panloloko at panlilinlang ng mga huwad na kandidato pati na ang (mga) media.
Kilalang-kilala po namin ang aming kandidatong sinusuportahan, at hinding-hindi kami magbabago sa aming desisyon.
At tungkol naman po sa inyong nabangit na parang martyr si Mar ay parang malabo naman yata un, dahil marami syang hindi nagampanan at dahil jan tulad ng sinabi nyo kaya sya nasisisi.
Ito ang aking masasabi sa inyo, Mr. Daniel Padilla, nirerespeto ko ang inyong opinyon pero ipagpaumanhin mo dahil ako ay sumasalungat sa’yo.
Unang-una sa lahat, dahil ikaw ay Artista at anak mayaman, papanu kang nakakasiguro na dapat magpatuloy o iboto ang iyong Kandidato? Naranasan mo bang sumakay araw-araw sa MRT. Naranasan mo ba ang napakahabang pila, nakipagsiksikan ka na ba at pinagpawisan araw-araw bago ka makarating sa iyong trabaho? Nasaksihan mo ba ang tumutulong bubong ng MRT at ang matindi pa, naglakad ka na ba sa riles ng MRT dahil tumigil ito?
Mayaman ka kasi, di mo nararanasan ang sumakay ng taxi at maholdap. May Bodyguard ka hindi mo kailangang maglakad mag-isa at di mo mararanasan ang biglang tutukan ng patalim o kaya naman ay hahablutan ng bag.
Pero siguro minsan sa paglalakbay mo, nakikita mo ung mga batang kalye na naka-rugby at namamalimos sa Edsa sa gitna ng Traffic, pati na rin ung mga pamilyang natutulog sa ilalim ng tulay.
Sa lag-lag bala ano ang masasabi mo? ok lang ba sa iyo un, di ka ba naaawa sa mga pobreng biktima at kinakasuhan dito?
Pinagtatawanan na tayo sa buong mundo dahil dito. Tayo na nga ang may worst airport tapos dagdag pa yang lag-lag bala na yan.
Siguro ay ok lang sa inyo yan kasi pag pupunta kayo ng Airport ay hindi kayo matataniman ng bala kasi naka-VIP kayo.
Buti na lang pala noong magkaroon ng BLACK-OUT ay wala kayo sa Airport noon.
Ang SAFF44 MASSACRE, pagkatapos silang ipain at mamatay hangang ngaun ay wala pa ring hustisya. Panu kaya kung isa dun ay kamag-anak o kapamilya natin. ganu kaya kasakit un?
Ang mga Yolanda Victims, kinumusta mo ba sila kung nakarating na sa kanila ang tulong ng Gobyerno.
Sa tingin mo ba ay naipamahagi na lahat nang donation mula sa ibang bansa?
Hindi ka ba nanghihinayang sa mga pagkaing nabulok na hindi naipamigay sa mga nasalanta?
Ang Kurapsyon, sa tingin mo ay totoong nawala o nabawasan man lang ito? Sa dinami-dami ng involved sa Pork Barrel, ilan na ba ang naipakulong bukod kay Jingoy at Bong Revilla? Si Napoles balita ko nakapag-piyansya daw…para sayo nararapat ba yun?
Nga pala, siguro ay napanuod mo rin iyong interview ni Idol Robin, ung Uncle mo… sabi nya mismong sa loob ng bilibid daw ay niluluto ang shabu.
Si Robin ay sumasalungat sa Administrasyon dahil gusto nyang tuldukan ang sistemang ito. Ikaw ba, hahayaan mo na lang bang magpatuloy ang sistemang ganito?
Bata ka pa, pero alam ko matalino ka. Kaya sana ay gamitin mo ang iyong impluwensya para sa ikabubuti ng ating Bansa.
Sana ay hindi totoong bayad daw ang mga artista tulad ng sinasabi nila.
BASTA AKO, NANINIWALA AKO KAY DUTERTE PARA SA TUNAY NA PAGBABAGO!
Ganunpaman, manalo o matalo ang ating mga kandidato, pagkatapos ng halalan ay kailangan nating magkasundo at magkaisa para sa bansa natin.
Salamat Kaibigan. Peace be with you!!
FAMILY MAN, OFW
VENICE, ITALY
0 comments:
Mag-post ng isang Komento