Form sa Pag-contact

Pangalan

Email *

Mensahe *

Huwebes, Marso 3, 2016

Ai Ai,Napaiyak at pinatunayang walang galit kay Maine!




Nag-post si Ai Ai delas Alas ng pagbati kay Maine Mendoza sa Instagram account ng Comedy Queen kahapon. Ini­lagay niya ang ilang pictures nilang da­lawa at may caption na, “Happy Bday Meynshiiii—have a blast…God bless you…”
May naglalabasan pa rin kasing intriga na may isyu kina Ai Ai at Maine. Itinanggi na ito ng Reyna ng Komedya nu’ng magbigay siya ng party para sa fan clubs niya.
Umani naman ng papuri mula sa netizens ang gesture ni Ai Ai.  Request ng isa, lumabas siyang nanay ni Maine kung may pelikula silang pagsasamahan, huh!
Pero sa Regal movie ni Ai Ai, wala pang cast except na type ni Mother Lily na isama si Solenn Heussaff.  Komo wala pang schedules ng shooting, rarampa muna si Ai Ai sa New York at iba pang lugar doon para mag-show nitong Holy Week.

Aljur-Kris, matira ang matibay sa Lip Sync!

Bakbakan ang dating magka-loveteam na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica bukas sa second episode ng Lip Sync Battle. Magsisilbi ring reunion ito ng Al-Kris tandem na huling nagsama sa GMA series na Prinsesa ng Buhay Ko.
Kahit malapit sa isa’t isa, dedma ito sa dalawa dahil kailangan nilang husayan ang pagli-lip sync nang sa gayon, ma-take home ang LS Belt.
Sa pilot telecast last week, ang magkaibigang Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang nagsagupaan. Winner si Dens na inspired sa presence ng rumored girlfriend na si Jennylyn Mercado.